dzme1530.ph

DOH, NAGPAALALA SA HEAT-RELATED ILLNESSES SA MGA BABIYAHE NGAYONG SEMANA SANTA

Loading

Nagpaalala ang Department of Health sa mga heat-related illnesses sa gitna ng pagbiyahe ng marami para sa Holy Week break.

 

Pinayuhan ng DOH ang mga pasahero na tiyaking may bitbit na inuming tubig, pagkain, maintenance medicines at first aid kits.

 

Binigyang-diin ni DOH Spokesperson Undersecretary Albert Domingo ang kahalagahan ng pagiging hydrated upang maiwasan din ang iba pang heat-related conditions.

 

Nagpapaalala rin si Domingo sa posibleng impeksyon na makuha ng mga deboto na nagbabalak sumama sa mga tradisyonal na penitensya tulad ng pagpako sa krus.

 

Pinayuhan ang mga nais pa ring sumali sa tradisyon na linisin nang maigi ang kanilang sugat at iwasang maligo sa contaminated waters.

 

Tiniyak naman ng DOH na magde-deploy ng medical teams sa mga lugar kung saan isasagawa ang mga tradisyon tuwing Mahal na Araw.

About The Author