![]()
Mas mahabang pila at fully booked trips ang sumalubong sa mga pasahero sa mga bus terminal, pantalan at paliparan ngayong Miyerkules Santo.
Ang mga biyaheng patungong Northern Luzon at Bicol ay halos fully booked na sa mga bus terminal sa Quezon City.
Kaya naman ilang oras na pumila para makakuha ng ticket ang mga pasaherong patungong Ilocos, La Union, Abra at Bicol Region kabilang na ang Camarines Norte, Camarines Sur at Albay.
Ilang pasahero naman sa Batangas Port ang nagreklamo ng hirap sa paggamit ng online registration assistance system.
Habang sa loob ng pantalan, umaasiste ang ilang tauhan nito sa mga pasahero para sa registration sa kanilang online reservation assistance system o ORAS Pass.
Sa Ninoy Aquino International Airport naman, mas mahabang waiting time sa check-in counters ang naranasan ng mga pasahero.
Ipinaalala naman ng NAIA sa mga pasahero na may anim ng airlines ang na-relocate na sa Terminal 3, habang ang isa ay sa Terminal 1 naman nailipat.
Kaya paalala nila sa mga pasahero na i-verify sa kanilang mga ticket ang kanilang terminal assignments.
