![]()
Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng high-level engagement discussions sa Iran.
Ito, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, ay upang matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga barkong patungo sa Pilipinas sa Strait of Hormuz, sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.
Sinabi ni Castro na ginawa ng Pangulo ang pahayag sa meeting ng UPLIFT Committee, kahapon.
Inatasan na aniya ni Pangulong Marcos ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa naturang plano.
