![]()
Nakapagpapagaling na ang comedian at TV host na si Wally Bayola sa tinamong minor injuries matapos maaksidente sa motorsiklo nitong weekend.
Ayon sa reports, sakay ng kanyang motorsiklo ang “Eat Bulaga” host patungong Naga nang malubak at sumemplang ito sa Andaya Highway sa Camarines Sur.
Sa official Facebook page ng TVJ, tiniyak nila sa publiko na nasa maayos at ligtas na kalagayan si Wally, maliban sa kaunting sugat at bukol na tinamo nito sa aksidente.
Pinaalalahanan din ng longest-running noontime show hosts ang publiko na palaging mag-ingat.
