![]()
Water is life. Isa ito sa mga linya ng ilang eksperto na palaging nagpapayo ang pag-inom ng tubig.
Ayon sa ilang pag-aaral, nakakatulong sa katawan ang pag-inom ng 100 to 120 ml ng maligamgam na tubig bago matulog dahil maiiwasan ang paglapot ng dugo.
Maganda rin ang pag-inom ng maligamgam na tubig sa umaga pagkagising upang mabalanse ang acid sa bituka at nakakatulong sa detoxification.
Paano nga ba malalaman kung kulang ka na sa tubig at dapat ka nang uminom?
Narito ang ilang senyales na kulang ka na sa tubig:
- Dry skin o dry lips o napapansin mong parang nagbibitak-bitak na ang balat mo
- Laging nahihilo, laging nananakit ang ulo
- Madaling magalit dahil lumalapot ang dugo
- Palaging iritable
- Sobrang dilaw na ng kulay ng ihi na malapit na sa orange
- Matigas ang dumi
- Nananakit kasu-kasuan o muscles
- Laging nagke-crave sa matamis
- At bad breath dahil wala nang lumalabas na tamang amount ng saliva at nagkakaroon na ng accumulation ng bacteria sa bibig
Kaya naman, tubig-tubig din pag may time.
