dzme1530.ph

DOTr, NAGDAGDAG NG RUTA NG LIBRENG SAKAY

Loading

Nagdagdag ang Department of Transportation ng mga rutang saklaw ng kanilang libreng sakay sa gitna ng nangyayaring nationwide transport strike.

 

Nagsimula ang libreng sakay kaninang 7 am at tatagal hanggang mamayang 8 pm.

 

Kabilang sa mga ruta ng libreng sakay ang Philcoa-Cubao; Welcome Rotonda-Cubao; Lawton-PITX; Nagtahan-Cubao; Commonwealth-Fairview; Fairview-Quiapo; SM Masinag-Quiapo; Baclaran-Monumento via Taft Avenue; One Ayala Makati-Muntinlupa; at sa Heritage-Market! Market.

About The Author