dzme1530.ph

IKALAWANG ARAW NG NATIONWIDE TRANSPORT STRIKE, NAGPAPATULOY

Loading

Nagpatuloy na ang ikalawang araw ng nationwide transport strike ng iba’t ibang grupo sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Sa Lungsod ng Quezon, nagtipon-tipon ang iba’t ibang transport group sa Aurora Boulevard sa Cubao.

 

Sinundan ito ng programa sa isang gasoline station sa Commonwealth Avenue sa bahagi ng Philcoa.

 

May mga TNVS groups din na nagsagawa ng motorcade sa University Avenue sa UP Diliman.

 

Sa Camanava area, nagsagawa rin ng protesta ang iba’t ibang grupo sa Monumento Circle sa Caloocan City.

 

Habang ang urban group Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay ay nagsagawa ng “Kalbaryo ng Mamamayan” protest sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

 

Mamayang ala-una ng hapon, inaasahang magsasama-sama na ang iba’t ibang grupo sa Welcome Rotonda para sa coalition program bago magmartsa patungong Mendiola.

About The Author