![]()
Magtataas na ng presyo ang mga produkto sa ilang supermarkets simula sa April 1.
Ito, ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association Incorporated President Steven Cua ay bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Subalit nilinaw ni Cua na iilan pa lamang miyembro nila ang nag-abiso ng price adjustments.
Kabilang sa mga apektadong produkto ang pasta, noodles, canned goods at candies kasama na ang bottled water.
Sinabi ni Cua na posibleng umabot ng 10 percent ang idadagdag sa presyo ng mga produktong ito.
Nilinaw din niya na posible ring gawing gradual ng mga manufacturers ang pagpapatupad ng dagdag-presyo depende sa kondisyon ng merkado at consumer behavior.
