![]()
Iminumungkahe ng Trade Union Congress of the Phils (TUCP) na bigyan ng P5,000 monthly wage subsidy ang may 5-M minimum wage earners.
Ito’y habang hindi pa nagco-convene ang dalawang Kapulungan para sa special session at pag-usapan at pagtibayin ang proposed P200 legislated wage hike.
Ayon sa labor group, hindi maaari na magtaasan ang mga presyo maliban sa sweldo ng mga manggagawa.
Anila, kung may fuel subsidy sa transportasyon, dapat meron ding wage subsidy para sa mga wage earners.
Saad pa ng TUCP mahigit tatlong dekada ng pinababayaan ng regional wage boards, at ngayong may krisis pababayaan na naman sila ng DOLE dahil ni minsan ay hindi sila pinulong at ang UPLIFT Committee ng Palasyo ay nabuo ng walang kinatawan ang manggagawa.
Inamin naman ng DBM na may P230-B available funds para sa crisis response, at ang P5,000 monthly wage subsidy ay katumbas lamang ng P25-B o 10% ng P230 available crisis funds, o karagdagang 100 per day.
