![]()
Matagumpay na nahukay at nasuri ang Camago-3 para sa layuning mapalakas ang energy security ng bansa.
Sa video message, masayang ibinalita ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. na ito ang ikalawang major milestone sa ilalim ng 893-million dollar Malampaya Phase 4 campaign, at mas malaki ito kumpara sa nauna.
Idinagdag ni Marcos na nagpo-produce ang gas well ng 60 million standard cubic feet ng gas kada araw.
Ang Camago-3 ay bahagi ng Phase 4 drilling campaign kasama ang Bagong Pag-asa well sa ilalim ng Service Contract 38 sa pangunguna ng Prime Energy Resources Development.
Pagbibida pa ng pangulo, 2.5 times na mas malaki ang recoverable gas ng Camago-3 kumpara sa Malampaya East-1 recovery.
Aniya, kapag pinagsama ang dalawang wells, inaasahang mapalalawig ang buhay ng Malampaya gas field ng tinatayang anim na taon.
At ang ibig sabihin nito, sabi ng pangulo, ay mas matatag at mas murang kuryente.
