![]()
Posibleng maglabas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng executive order, kung sususpindihin o babawasan ang excise tax rate sa produktong petrolyo sa April 12 o 13, ayon sa Department of Finance (DOF).
Ipinaliwanag ni Finance Undersecretary Karlo Fermin Adriano na 15 days pa bago maging epektibo ang batas pagkatapos itong mai-publish sa Official Gazette o pahayagan na may general circulation.
March 25 nang lagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 12316, na nagbigay sa kanya ng emergency powers para suspindihin o bawasan ang fuel excise tax.
Idinagdag ni Adriano na magpupulong ngayong araw ang technical board, habang ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) ay magko-convene sa susunod na linggo para sa kanilang rekomendasyon..
