![]()
Very proud si Liza Soberano at Grammy Award-winning artist na si H.E.R. na maging bahagi ng upcoming DreamWorks animated film na “Forgotten Island,” na inspired ng Philippine culture.
Sinabi ni Liza na pangarap niya na makasama sa proyektong uniquely Filipino, at maibahagi ang ating kultura sa buong mundo.
Idinagdag naman ni H.E.R. na ipinagmamalaki niya ang pagiging Filipino at Black.
Madali rin anilang makaka-relate ang mga batang 90s sa pelikula, at itinampok sa mga eksena ang pang-araw-araw na buhay na makikita sa mga kalsada, gaya ng jeepney.
