![]()
Dumating na sa Pilipinas ang barko na may lulang mahigit 700,000 barrels ng Russian crude oil, ayon sa source, ilang araw matapos ideklara ang national energy emergency bunsod ng kaguluhan sa Middle East.
Dumaong sa Pilipinas ang Sierra Leone-flagged Sara Sky, sakay ang high-quality crude mula sa ESPO pipeline sa Russia.
Batay sa mga dokumento, ang consignee ay Petron Corporation, na operator ng nag-iisang oil refinery sa Pilipinas.
Namataan ang Sara Sky na naka-angkora sa Limay Port sa Bataan, kung saan matatagpuan ang refinery ng Petron.
