dzme1530.ph

ILANG COMMUTERS, STRANDED SA IBA’T IBANG BAHAGI NG METRO MANILA SA GITNA NG TRANSPORT STRIKE

Loading

Stranded ang ilang commuters sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, bunsod ng nationwide strike na inilunsad laban sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

 

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Police Major Hazel Asilo, may mga stranded kasi kahit alam na may rally ay mga lumabas pa rin kahit na hindi gaanong importante ang kanilang mga lakad.

 

Aniya, nakadagdag ang mga ito sa bulto ng mga tao na papasok sa kanilang mga paaralan at trabaho.

Inihayag naman ng Manibela na na-monitor ang mga stranded commuters sa ilang bahagi ng Maynila, Quezon City, Pasig, Taguig, Parañaque, Las Piñas, at Malabon.

 

Nakiisa rin sa rally ang transport workers mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga jeep, Transport Network Vehicle Services (TNVS), motorcycle taxis, mga bus, at UV Express.

About The Author