![]()
Nangako ang gaming platform na Roblox na makikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata kabilang ang mga Filipino users.
Ayon sa kumpanya, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Information and Communication Technology at sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center para sa mga hakbangin upang matiyak ang security ng kanilang platform.
Nakalatag na rin aniya ang kanilang advanced safeguard at mas mahigpit na safety policies.
Una nang naglabas ng ultimatum ang CICC sa kumpanya upang aksyunan ang impormasyon na ginagamit ng ilang pedophiles at drug traffickers ang platform bilang hunting grounds ng mga underage users.
Iginiit ng CICC na ikinukunsidera nila ang nationwide ban upang protektahan ang kabataan.
