dzme1530.ph

PAGLAGDA SA BATAS PARA SA BARMM ELECTIONS, IKINATUWA

Loading

Ikinatuwa ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa batas para sa pagtatakda ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

Sinabi ni Zubiri na sa pamamagitan ng batas ay tuluyan nang makakalipat ang BARMM sa pamahalaang pinili ng mamamayan.

 

Kapag may tunay na mandato na aniya mula sa publiko ang mga namumuno ay mas malinaw ang pananagutan, mas matatag ang demokrasya at mas tumitibay ang pundasyon ng kapayapaan.

 

Sinabi ng senador na panahon nang wakasan ang paulit-ulit na pagpapalawig ng transition government.

Alinsunod sa batas, itinakda ang unang parliamentary elections sa ikalawang Lunes ng Setyembre ngayong taon.

 

Ang mga susunod na halalan naman ay isasabay na sa national at local elections simula sa Mayo 2031 at kada tatlong taon pagkatapos nito.

About The Author