dzme1530.ph

MGA LOKAL NA MAGSISIBUYAS, PINAPATAY NG MGA IMPORTER

Loading

ITINUTURING ni Senador Panfilo Lacson ang mga importer ng sibuyas na siyang pumapatay sa industriya ng pagsisibuyas sa Pilipinas.

 

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, binanggit ni Lacson ang datos mula sa Philippine Statistics Authority na nagsasabing kailangan 279,000 metric tons ng sibuyas upang maging self-sufficient ang bansa.

 

Noong nakaraang taon anya ay umabot sa mahigit 308,000 metric tons ang onion production ng bansa na lagpas sa self-sufficiency rate. 

 

Gayunman, pinuna ni Lacson na kahit lagpas ang produksyon noong 2025, pinayagan pa rin ng Department of Agriculture ang importasyon ng 94,000 metric tons ng sibuyas. 

 

Batay anya sa 2023 record ng World International Trade Solutions ng World Bank, aabot sa 30.9 billion dollars ang inimport ng bansa sa China.

 

Pero sa report ng Chinas, umaabot ito sa 52.4 billion dollars o discrepancy na 21.4 billion dollars. 

 

Kung pagbabatayan anya ito, may 142 billion pesos na koleksyon sa vat na nawawala sa bansa na sa duda ni Lacson ay bunsod ng smuggling.

About The Author