![]()
KINUMPIRMA ng ilang oil companies na nahihirapan na silang magsecure ng suplay ng langis.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Protect Committee, sinabi ng Independent Philippine Petroleum Companies Association o IPPCA, bagama’t may paparating silang suplay sa Abril, wala pang kumpirmasyon ng delivery matapos ang naturang buwan.
Ayon kay IPPCA President Tanya Samillano na wait and see ang kanilang sitwasyon sa ngayon.
Ang mga kumpanya naman ng langis na miyembro ng Philippine Institute of Petroleum tulad ng Petron, Shell, Chevron at iba pa ay ginagawa ang kanilang makakaya upang makakuha ng suplay kasama na ang pag-iimport ng low specification fuels.
Sinabi ni Rafael Capinpin, executive director ng Philippine Institute of Petroleum nna bagama’t may nabibili pa silang krudo ngayon, ang tanong ay kung hanggang kelan makakakuha ng produkto.
Sinabi ng Petron na kasama sa nagpapahirap sa pagsecure ng langis ang ipinalabas na temporary ban ng China, Thailand at Singapore sa paglalabas ng finished products.
Kaya hiling din ng IPPCA sa Department of Energy na ipagpaliban ang payment ng excise tax upang mas mapagaan ang pressure sa malaking bayarin.
Sa panig naman ng Petron, inirekomenda nilang ipako sa 50 dollars per barrel ang koleksyon ng excise tax at VAT.
