![]()
Inamin ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” big winner na si Lella Ford na naging malapit siya sa aktres na si Kaila Estrada na iniuugnay sa kanyang kapatid na si Daniel Padilla.
Sinabi ni Lella na nagkaroon sila ng bonding ni Kaila at madalas silang magkakasama.
Nagsimula aniya silang maging close bago ang kanyang PBB stint na nag-umpisa noong Oktubre ng nakaraang taon.
Para sa nakababatang kapatid ni Daniel, role model si Kaila at iniidolo niya ito, hindi lamang sa husay sa pag-arte kundi bilang isang tao.
Idinagdag ni Lella na masaya siya nang ipakilala ng kanyang kuya Daniel si Kaila sa kanilang pamilya.
Naging usap-usap ang umano’y relasyon nina Daniel at Kaila, mula nang talakayin ito ng showbiz reporter na si Ogie Diaz noong Setyembre 2025. | via Lea Soriano-Rivera
