dzme1530.ph

POSIBILIDAD NA ITAKE OVER NG PAMAHALAAN ANG OPERASYON NG OIL INDUSTRY, AYAW MUNANG TALAKAYIN NI PANGULONG MARCOS

Loading

Ayaw munang talakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na i-take over ng gobyerno ang operasyon ng oil industry sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.

 

Sa halip, sinabi ni Marcos na pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibleng pagbili ng suplay ng petrolyo sa Russia.

 

Inatasan din ang Department of Transportation na bumalangkas ng mga hakbangin upang mabawasan ang impact ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa transport sector.

 

Una nang sinabi ng administrasyon na mayroon pang suplay ng petrolyo ang bansa na tatagal ng 45 araw at nag-procure na rin ng dagdag na isang milyong bariles ng langis bilang buffer stock.

About The Author