![]()
Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagbibigay sa kanya ng emergency power na suspendihin o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.
Alinsunod sa Republic Act 12316, may bisa ang emergency powers hanggang Dec. 31, 2028.
Sa sandaling gamitin ito ng pangulo, maaaring ipatupad ang suspension o reduction sa excise taxes ng hanggang tatlong buwan.
Sa paggamit naman ng emergency powers, inaatasan ang pangulo na magsumite ng report sa Kongreso sa factual basis ng desisyon, pati na ang projected revenues mula sa fuel purchases na hindi na makokolekta, at inaasahang epekto nito sa inflation at sa presyo ng langis.
Gayunman, wala pang desisyon ang pamahalaan kung kailan gagamitin ang naturang kapangyarihan.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahirap matukoy ang best timing dahil paiba-iba ang presyo ng langis.
