dzme1530.ph

ASIAN DEVELOPMENT BANK, TUTULUNGAN ANG ASIA-PACIFIC REGION UPANG MAPAGAAN ANG EPEKTO NG GULO SA GITNANG SILANGAN

Loading

Handa ang Asian Development Bank (ADB) na mag-deploy ng napapanahong financial at technical support upang matulungan ang developing member countries na mapagaan ang epekto ng kaguluhan sa Middle East.

 

Sa statement, tiniyak ng ADB na may sapat itong resources para mapangalagaan ang existing at planned operations habang pinalalawak ang emergency support, batay sa pangangailangan ng mga bansa.

 

Sinabi ni ADB President Masato Kanada na ang kanilang hakbang ay patunay ng kanilang matatag na track record sa pagsuporta sa Asia and the Pacific sa panahon ng global uncertainty.

 

Magbibigay ng suporta ang Trade and Supply Chain Finance Program ng multilateral lender sa private sector upang matiyak ang mahahalagang imports, kabilang ang enerhiya at pagkain, para sa tuloy-tuloy na supply.

About The Author