![]()
“IT’S HAPPENING NOW.”
Tugon ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin kung may dahilan para pag-isipan kung kailangan i-reset ang relasyon sa China sa gitna ng gulo sa Middle East.
Sinabi ni Marcos na magkakaroon ng napaka-seryosong restructuring, at lasting effect sa kabila ng tensyon, para sa “new normal.”
Patuloy ang kaguluhan, kasabay ng ginagawang pag-angkin ng Beijing sa halos kabuuan ng South China Sea, na dinadaanan ng mahigit 3 trillion dollars ng annual shipborne commerce, kabilang ang mga bahagi na inaangkin din ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei.
