![]()
Nagbabala si Health Secretary Ted Herbosa na posibleng magresulta sa pagmahal ng gamot at hospitalization sa bansa ang umiigting na tensyon sa Middle East.
Sinabi ni Herbosa na mahigpit na mino-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon, sa gitna ng pangamba na posibleng magkaroon ng disruptions sa delivery ng mahahalagang gamit at medical supplies na maaring mauwi sa shortage.
Bilang tugon ay nagkasa ang Department of Health (DOH) ng emergency preparedness measures, kabilang ang inventory checks at contingency planning, upang matiyak ang sapat na supply ng gamot at iba pang essential medical supplies.
Sa kabila naman ng concerns, nilinaw ng kalihim na walang kasalukuyang shortage sa bansa.
