![]()
Isyu ng katiwalian ang common reason ng mga Pinoy sa pagtitiwala o pagdududa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang lumitaw sa survey ng Pulse Asia Research sa unang quarter ng taong 2026.
Batay sa ulat sa bayan, 28.6 percent ng mga respondents ang nagsabing ang mga hakbang na ipinatutupad ni Pangulong Marcos laban sa korapsyon ang dahilan ng pagtitiwala sa kanya.
Sinundan ito ng inilulunsad na tulong ng administrasyon sa mga calamity-hit areas at sa mga biktima, gayundin ng mga programang ipinatutupad upang iangat ang buhay ng mga Pinoy at ang mga hakbang para suportahan ang mga magsasaka.
Sa kabilang dako, ang kabiguan ng Marcos administration na solusyunan ang katiwalian ay pangunahing rason kaya’t marami sa mga respondents ang hindi nagtitiwala sa punong ehekutibo.
Sinundan ito ng kabiguan ng pangulo na tuparin ang kanyang mga pangako at ang hindi niya pagtugon sa kanyang mandato.
Samantala, lumitaw din sa survey na ang kapabilidad ng pangalawang pangulo na mamuno ang pangunahing dahilan ng pagtitiwala ng mga respondent sa kanya.
Sinundan ito ng kanyang pro-poor stance at ang kanyang tapang.
Gayunman, ang pagkakasangkot ng pangalawang pangulo sa isyu ng katiwalian ang pangunahing rason kaya’t 51.5 percent ng mga respondent ang walang tiwala sa kanya.
