dzme1530.ph

PHILIPPINE AIRLINES, TINIYAK NA MAY SAPAT NA SUPLAY NG JET FUEL

Loading

Tiniyak ng Philippine Airlines na mayroon silang sapat na suplay ng jet fuel para sa kanilang operasyon.

 

Ayon sa PAL, patuloy ang kanilang monitoring sa global and regional developments na nakakaapekto sa jet fuel supply.

 

Gayunman, nananatili anilang dynamic ang global supply conditions kaya’t kailangan ng patuloy na koordinasyon sa mga fuel suppliers, industry partners at government agencies.

 

Bilang bahagi anya ng kanilang prudent planning, nakikipagtulungan sila sa mga fuel suppliers upang matiyak ang stable at efficient operations sa mas mahabang panahon.

 

Nag-anunsyo naman ang Cebu Pacific ng route suspensions at pagbabawas ng biyahe simula sa Abril.

 

Binibigyan naman ng oportunidad ng airline company ang mga apektadong pasahero na mag-rebook nang walang pagbabago sa pamasahe o i-convert ang kanilang pamasahe bilang travel fund, o kaya naman ay mag-request ng refund.

About The Author