![]()
Umarangkada na ang pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Tulad naman ng inaasahan, hindi dumalo sa pagdinig ang pangalawang pangulo.
Inilarawan ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, chairperson ng komite, ang kanilang pagdinig sa preliminary investigation phase sa criminal complaint.
Sa pagdinig, bibigyan ng pagkakataon ang complainants at defense panel na magpresinta ng kanilang documentary evidence at magharap ng mga testigo.
Una namang reresolbahin ng House Justice panel ang mga mosyon na humihiling na mag-isyu ng subpoena o atasang ang mga testigo na humarap sa hearing at mag-presenta ng mga dokumento na itinuturing na material evidence.
