![]()
Na-stranded ang maraming commuters sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ngayong araw na ito dahil sa limitadong biyahe ng public utility vehicles.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, ipinag-utos na nila ang deployment ng mga sasakyan na magbibigay ng serbisyo sa mga stranded passengers.
Naniniwala si Lopez na may kaugnayan ang limitadong bilang ng mga bumibiyahe sa pamamahagi ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development sa mga jeepney drivers.
Kaya naman humingi na rin ng paumanhin ang kalihim sa publiko.
Patuloy naman ang koordinasyon ng mga awtoridad para sa kaukulang paghahanda sa isasagawang transport strike bukas at sa Biyernes.
