![]()
Nagpahayag ng suporta si Senador Erwin Tulfo sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng state of national energy emergency para tugunan ang mga isyu at problemang dulot ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Sinabi ni Tulfo na magbibigay ito ng pagkakataon sa Pangulo para agarang gawin ang mga kinakailangang hakbang para matulungan ang ating mga kababayan na labis na apektado ng krisis dulot ng giyera sa Gitnang Silangan.
Iginiit naman ni Senador Sherwin Gatchalian na ang deklarasyon ng Pangulo ay mahalagang hakbang upang makapaglunsad ang pamahalaan ng extraordinary measures upang bawasan ang impact ng kaguluhan sa buhay ng mga Filipino.
Nangako naman si Gatchalian na patuloy na babalangkas ng mga legislative support para sa lahat ng hakbang na ipinatutupad ng gobyerno.
Titiyakin anya nila na maipatutupad ang lahat ng mga mekanismo na nakasaad sa inilabas na Executive Order.
Handa rin anya silang makipagtulungan sa buong UPLIFT Committee upang matiyak ang sapat na suplay ng enerhiya, tuloy-tuloy na takbo ng ekonomiya, at maayos na kalagayan ng mga OFWs at mga sektor na higit na apektado, kabilang ang PUV drivers, mga magsasaka, mangingisda, at mga manggagawa.
