dzme1530.ph

ALAMIN ANG TAMANG SUKAT NG TUBIG NA DAPAT INUMIN KADA ARAW

Loading

Maganda sa kalusugan ang pag-inom ng maraming tubig.

 

Kapag fully hydrated ka, maganda ang daloy ng dugo at oxygen sa iyong katawan kaya’t naiiwasan din ang malalalalang sakit.

 

Pero, may mga naoospital din dahil sa labis na pag-inom ng tubig.

 

Ayon sa mga eksperto, ang ating kidney ay may kakayahan lamang na magproseso ng 0.8 hanggang one liter ng tubig kada oras.

 

Kapag sobra-sobra ang ating iniinom ay mahihirapan din ang kidney at posible itong masira.

 

Bukod dito, ang sobrang pag-inom ng tubig ay nakakasira rin sa balanse ng electrolytes.

 

Kaya ayon sa mga eksperto, ang daily intake ng tubig ng mga lalaki ay dapat na 3.7 liters lamang habang sa mga babae ay 2.7 liters.

About The Author