dzme1530.ph

P20-BILLION MALAMPAYA FUND, MAARING GAMITIN PARA PALAKASIN ANG OIL RESERVES NG BANSA

Loading

Ikinukonsidera ng pamahalaan ang paggamit ng pondo na na-generate ng Malampaya offshore project para gastusan ang bulk purchases ng petroleum products.

 

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), layunin ng plano na mabawasan ang peligro dulot ng pagkagambala ng supply mula sa Persian Gulf.

 

Sinabi ni Budget Secretary Rolando Toledo na ikinukonsidera nila ang 20-billion peso Malampaya fund para sa bulk purchases ng langis.

 

Inihayag ni Toledo na nakatanggap siya ng request mula kay Energy Secretary Sharon Garin para sa bulto-bultong pagbili ng produktong petrolyo.

 

Entitled ang gobyerno sa 60% ng kita mula sa Malampaya offshore natural gas project, at ang share na ito ay dapat i-invest sa domestic energy development.

About The Author