![]()
Kapwa sinabi ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at kanyang singer-influencer girlfriend na si Chloe San Jose na hindi nila kailangan ang blessing ng kani-kanilang pamilya para magpakasal.
Kasabay nito ay ang kanilang pag-amin na nagli-live-in na sila at napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal.
Sinabi ni Caloy na hindi nila kailangan ng basbas ng pamilya basta nagkakaintindihan silang dalawa ni Chloe.
Ipinaliwanag naman ni Chloe na mas magiging komplikado kung hihingin pa nila ang blessing ng kani-kanilang pamilya.
Bagaman in good terms si Chloe sa kanyang pamilya sa Australia, si Caloy ay nalayo naman mula sa kanyang mga magulang subalit nakakasama nito minsan ang kanyang mga kapatid.
