dzme1530.ph

SUPREME COURT, INILIPAT ANG KANILANG SUMMER SESSIONS SA MAYNILA MULA SA BAGUIO SA GITNA NG TUMATAAS NA PRESYO NG PETROLYO

Loading

Sa Maynila na lamang, sa halip na sa Baguio City isasagawa ng Supreme Court ang kanilang summer sessions, kabilang ang oral arguments, sa April bunsod ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

 

Binigyang-diin ni Chief Justice Alexander Gesmundo isinaalang-alang ng Kataas-taasang Hukuman ang kasalukuyang kondisyon ng bansa kasabay ng pagtiyak sa matatag na paghahatid ng hustisya.

 

Ayon sa SC, idaraos ang oral arguments sa consolidated petitions na kumukwestyon sa mga probisyon na may kaugnayan sa unprogrammed funds at special accounts sa General Appropriations Act (GAA) simula 2024 hanggang 2026, sa April 7 at 21.

 

Samantala, ang oral arguments sa foreign divorce bill ay gaganapin sa April 28, sa SC en banc session hall sa Maynila.

 

Ayon sa SC, ang pagsasagawa ng summer sessions sa Baguio City ay matagal ng tradisyon, noon pang 1948 sa panahon ni Chief Justice Manuel V. Moran.

 

Ang summer sessions sa Maynila ay itinakda sa April 6 hanggang 30.

About The Author