![]()
Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Takaichi Sanae na magtulungan para sa “early de-escalation” ng tensyon sa Strait of Hormuz.
Sa statement, inihayag ng Ministry of Foreign Affairs ng Japan na 20 minutong nag-usap sa telepono sina Marcos at Takaichi, kahapon.
Ipinaliwanag ng Japanese Prime Minister ang kahalagahan ng koordinasyon at kooperasyon sa international community upang matiyak ang maagang paghupa ng sitwasyon, partikular ang ligtas na paglalayag sa Strait of Hormuz.
Sinabi rin ng Japan na ipinaliwanag ni Pangulong Marcos ang posisyon at mga hakbang ng Pilipinas, bagaman hindi na nagbigay ng iba pang detalye.
Kabilang ang Japan sa mga bansang unang lumagda sa joint statement sa Strait of Hormuz, na kumundena sa pag-atake ng Iran sa commercial vessels na dumadaan sa mahalagang waterway.
