dzme1530.ph

PIRMADONG PANUKALA NA NAGBIBIGAY NG KAPANGYARIHAN SA PANGULO SA FUEL EXCISE TAX, NAIPADALA NA SA MALAKANYANG

Loading

Naipadala na ng Senado sa Malacañang ang pirmadong panukala na nagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo na suspendihin o bawasan ang ipinapataw na excise tax sa produktong petrolyo.

 

Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente Tito Sotto III makaraang lagdaan na rin ni House Speaker Bojie Dy ang panukala.

 

Ang Senate Bill 1982 at House Bill 8418 ay naglalayon ding amyendahan ang National Internal Revenue Code upang mabigyan ang pangulo ng power upang bawasan o suspendihin ang excise tax sa panahon ng emergencies.

 

Naipadala na rin sa Malacañang ang panukala para itakda ang kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa ikalawang Lunes ng September.

About The Author