![]()
Kumbinsido ang ilang senador na nasa krisis na ang Pilipinas dahil sa epekto ng kaguluhan sa Middle East.
Taliwas ito sa paninindigan ng Malakanyang na wala pang krisis sa langis sa bansa dahil may sapat na suplay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo.
Sa pagdinig ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy o PROTECT, sinabi ni Senador Loren Legarda na hindi na dapat mangmaang-maangan pa dahil malinaw na may krisis na.
Kung hindi anya aaminin na may krisis ay hindi agad makakatugon ang mga ahensya ng gobyerno.
Sinabi naman ni Senador Bam Aquino halos nasa isang buwan nang nasa krisis ang bansa kaya’t dapat nang ideklara ang state of national emergency.
Sa panig ni Senador JV Ejercito, iginiit na hindi na normal ang sitwasyon at dahil nasa krisis na ang bansa ay dapat magkaroon na ng task force o crisis committee.
