dzme1530.ph

PEZA, NANANATILING STABLE ANG KONDISYON AT NORMAL ANG OPERASYON SA KABILA NG GULO SA MIDDLE EAST

Loading

Posibleng maapektuhan ang ecozone investments habang ina-assess ng mga kumpanya ang posibleng resulta ng kaguluhan sa Middle East.

 

Sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga na sa puntong ito ay mahigpit na binabantayan ng potential at existing investors kung ano ang mga posibleng pangmatagalang epekto ng sitwasyon.

 

Gayunman, inihayag ni Panga na sa loob ng PEZA ecozones, nananatiling stable ang kondisyon at normal ang operations.

 

Upang matugunan ang posibleng logistic issues at tumataas na gastos, ipinanukala ng PEZA chief ang paggamit ng off-dock container yards at barge terminals.

 

Hinihimok din nito ang pamahalaan na pabilisin pa ang proseso para sa imported goods, gaya ng mga dumadaan sa nonstop services ng Bureau of Customs.

About The Author