dzme1530.ph

PAGPAYAG NG DOE NA PAGGAMIT NG “MAS MARUMING” EURO 2 FUEL, PANSAMANTALA LANG

Loading

Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na pansamantala lamang ang pagpayag nito sa pag-aangkat at paggamit ng Euro 2 petroleum products, na itinuturing na mayroong “mas maruming” emissions.
 
Binigyang-diin ni DOE Secretary Sharon Garin na ang naturang polisiya ay contingency measure lamang sakaling umabot ang fuel supply sa bansa sa “critical levels.”
 
Nitong weekend ay inanunsyo ng ahensya ang paglalabas ng circular na nagpapahintulot sa temporary importation at paggamit ng Euro 2 fuel para sa ilang piling modelo ng mga sasakyan, pati na rin sa industrial applications, upang mapangalagaan ang fuel supply ng bansa.
 
Ipinaliwanag ni Garin na mas mabili ang Euro 2 fuel products sa international market ngayon kumpara sa mas malinis na counterpart nito na Euro 4. 

About The Author