![]()
Kabuuang 49 Chinese vessels ang namataan sa iba’t ibang features sa West Philippine Sea (WPS) sa nakalipas na linggo.
Ayon kay Navy Spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang mga Chinese ship, gaya ng People’s Liberation Army Navy at China Coast Guard, ay naispatan simula March 15 hanggang 22.
Kinabibilangan ito ng 28 sa Bajo de Masinloc, walo sa Ayungin Shoal, lima sa Escoda Shoal, at walo sa Pag-asa Island.
Mas mataas ito kumpara sa 30 Chinese vessels na namonitor sa WPS features simula March 1 hanggang 8.
