dzme1530.ph

GOBYERNO, NAGLAAN NG 20 BILLION PESOS PARA SA 2 MILLION BARRELS NG DIESEL BUFFER STOCK

Loading

Naglaan ang pamahalaan ng 20 billion pesos para palakasin ang buffer stock ng diesel, sa gitna ng walang katiyakan na supply bunsod ng kasalukuyang krisis sa Middle East.

Sa virtual press briefing, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na target ng Philippine National Oil Company (PNOC) na makapag-secure ng 2 million barrels ng diesel buffer stock, na nagkakahalaga ng 20 billion pesos.

Ayon kay Garin, ang 2 million-barrel diesel buffer ay magdaragdag ng panibagong sampung araw na fuel supply sa bansa.

Sa kasalukuyan, inihayag ng energy chief na bumibili ang gobyerno, sa pamamagitan ng PNOC, ng paunang isang milyong bariles ng diesel na sapat para sa limang araw na supply.

About The Author