dzme1530.ph

BILANG NG MGA SASAKYANG BUMABAGTAS SA EDSA, NABAWASAN NG WALONG PORSYENTO

Loading

Bumaba ng 8% ang traffic volume sa EDSA sa gitna ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA General Manager Nicolas Torre III na naobserbahan ng ahensya ang pagbaba matapos ang isinagawang behavioral traffic count.

Iniugnay ni Torre ang pagbaba ng bilang ng mga sasakyan sa EDSA sa harap ng mga problemang nakaaapekto sa presyo at supply ng langis.

Inihayag din ng MMDA General Manager na pinag-aaralan nila ang karagdagang mga hakbang upang maayos ang trapiko at matulungan ang mga commuter, kabilang ang posibleng adjustments sa umiiral na transport policies at palakasin pa ang mass transit systems.

About The Author