![]()
Nakatakdang i-release ng SB19 ang kanilang newest album na Wakas at Simula sa March 27, isang milestone project upang ipagdiwang ang kanilang 8-year journey sa industriya at hudyat ng bold new direction para sa P-pop supergroup.
Tampok sa album ang anim na bagong track, kabilang ang nauna nang inilabas na VISA, pati na ang re-recorded songs na may bagong arrangements.
Sinabi ng leader ng grupo na si Pablo na ang bagong album ay compilation ng lahat ng kanilang ni-release at pahiwatig ng direksyong pupuntahan ng SB19.
Idinagdag naman ni Justin na ibibida sa “Wakas at Simula” album ang evolution ng kanilang grupo sa pamamagitan ng experimentation sa iba’t ibang genres.
