![]()
Inihayag ni MIAA general manager Eric Jose Ines na bago paman sumiklab ang giyera sa Middle East ay umabot na sa humigit kumulang $89./barrels ang Jet Fuel.
Ayon kay Ines sa ngayon, ay umaabot na ito sa halos $200 per barrel ang Jet Fuel kaya naman ang CAAP-operated airports ay magbabawas ng terminal fee.
Itoy upang makatulong sa mga pasahero at sa mga airline companies, upang mapanatili o ma-stabilize ang presyo ng airfares maliban sa mga paliparan na nasa ilalim ng private public partnership.
Makikinabang dito ang mga pasahero ng bawas bayarin ng hanggang P200.
Inihalimbawa pa ni Enis kung ang halaga ng plane ticket ay P2000, mas bababa pa ang kabuuang halaga nito dahil sa pagbabawas ng terminal fees.
Ganun din sa mga airline companies ang navigation charges, tulad ng takeoff at landing fees, ay pinadiscount na rin ng CAAP, at maaari umabot hanggang P5,000 kada landing at takeoff ang matitipid ng mga airline companies na epektibo simula April 1.
