dzme1530.ph

TUCP, UMALMA SA PAGBUO NG CRISIS COMMITTEE NANG WALANG KINATAWAN MULA SA MGA MANGGAGAWA

Loading

Umalma ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pagbuo ng crisis committee na walang representasyon ang sektor ng manggagawa.

 

Ayon kay Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza ng TUCP, pagbalewala sa kanilang sektor kung hindi sila mapabilang sa binubuong crisis committee dahil sa krisis sa Gitnang Silangan.

 

Aniya, mahigit limang milyong wage earners ang apektado ng krisis na ito, kaya kung wala silang kinatawan sa komite, walang magsasabi ng tunay na kalagayan ng bayan.

 

Hayagan aniya na inaapi ang mga manggagawa sa kanilang hinaing gaya ng legislated wage hike, VAT abolition at nararapat na tulong o ayuda mula sa pamahalaan.

 

Una rito, inamin ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na bago pa man may mag-suggest nito, bumuo na ng crisis committee si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isinasapinal na ngayon.

 

Inalmahan ito ng TUCP dahil hindi umano sila kabilang sa naturang crisis committee.

About The Author