![]()
Pinabulaanan ng Iran na pumasok sila sa negosasyon sa Estados Unidos, kasunod ng pagsuspinde ni US President Donald Trump sa banta nitong bobombahin ang power grid ng Iran.
Ibinida ni Trump na nagkaroon ng pag-uusap ang kanyang special envoy na si Steve Witkoff at son-in-law na si Jared Kushner, sa isang top Iranian official na hindi naman nito pinangalanan.
Ayon naman sa powerful parliament speaker ng Iran na si Mohammad Baqer Qalibaf, walang nagaganap na usapan sa pagitan ng Tehran at Washington.
Aniya, ginagamit ang fake news para manipulahin ang financial at oil markets at matakasan ang kumunoy na kung saan na-trap ang Us at Israel.
Binigyang diin ni Qalibaf na lahat ng Iranian officials ay suportado ang kanilang supreme leader at kanilang mga mamamayan hanggang sa maparusahan ang mga umatake.
