![]()
Pinangunahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga pampublikong sasakyan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange sa Barangay Tambo sa Parañaque City.
Pinagkalooban ng tig-sampung libong piso ang bawat unit ng bus.
Kabuuang 1,096 unit ang nabiyayaan ng fuel subsidy na tinanggap ng 27 bus operators.
Nangako naman ang Pangulo na mananatiling kaagapay ng transport sector ang gobyerno sa pagharap sa kinakaharap na hamon dahil sa tensyon sa Middle East.
Kasabay nito, hiniling ng Pangulo sa mga bus operator na tulungan ang pamahalaan upang mabawasan din ang hirap ng mga commuter.
