dzme1530.ph

HALAGA NG PISO, BUMAGSAK SA PANIBAGONG RECORD-LOW

Loading

Patuloy ang paghina ng piso matapos bumagsak sa panibagong record low, gitna ng krisis sa Middle East.

 

Nagsara ang palitan kahapon sa 60 pesos and 30 centavos per dollar.

 

Mas mahina ito kumpara sa dating record low na 60 pesos and 10 centavos per dollar na naitala noong Huwebes, ayon sa website ng Bankers Association of the Philippines.

 

Walang trading noong Biyernes dahil sa paggunita sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan ng mga Muslim.

 

Halos tiyak nanghihina pa ang halaga ng piso dahil sa pagbubukas pa lamang ng trading kahapon ay nasa 60 pesos and 15 centavos na ang halaga nito, at bumaba pa sa 60 pesos and 37 centavos sa intraday trading.

About The Author