dzme1530.ph

DATING PRESIDENTIAL SPOKESMAN HARRY ROQUE, KABILANG SA INIREKLAMO NG LAND-GRABBING SA NBI

Loading

Inireklamo ng land-grabbing ng ilang magsasaka sa National Bureau of Investigation ang ilang personalidad, kabilang si dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, kinukumpleto pa nila ang written statements ng mga magsasaka.

 

Kukunin din ng NBI ang records ng Department of Agrarian Reform at ng Registry of Deeds ng mga sinasabing inagaw na lupa.

 

Sa bandang huli, ayon kay Mallari, ipapatawag nila si Roque upang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

 

Si Roque ay hindi pa bumabalik ng bansa matapos na masampahan ng kasong human trafficking kaugnay sa operasyon ng POGO na Lucky South.

 

Kinansela na rin ang pasaporte ng dating opisyal noong November 2025.

About The Author