dzme1530.ph

ALAMIN ANG TATLONG TIPS PARA MAPAKALMA ANG SARILI MULA SA ANXIETY

Loading

Hindi naiiwasan na may pagkakataon na tinatamaan tayo ng anxiety at tila hindi natin mapakalma ang ating sarili.

 

Narito ang ilang hakbang na ipinapayo ng mga eksperto upang mabawasan ang anxiety:

 

Una, exhale slowly. Huminga ng malalim, mag-pause kahit isa o hanggang dalawang segundo, at saka mag-exhale nang dahan-dahan na mas mahaba pa sa iyong inhale. Mas mahalaga ang mahabang exhale dahil tila sinasabi nito sa katawan na ligtas ka.

 

Ikalawa, humming o gentle singing. Sa humming o mahinang pagkanta ng hanggang dalawang minuto ay nagvi-vibrate ang vocal cords na direktang konektado sa tinatawag na vagus nerve na nagpapakalma sa nervous system.

 

Pangatlo, cold stimulation sa mukha. Malaking tulong ang paghihilamos ng malamig na tubig dahil naa-activate nito ang dive reflex para mapakalma ang nervous system.

About The Author