dzme1530.ph

ATONG ANG, UMAPELA NA HUWAG SIYANG ISAMA BILANG RESPONDENT SA KASO NG MGA NAWAWALANG SABUNGERO

Loading

Umapela ang kampo ng negosyanteng si Charlie Atong Ang sa Department of Justice na huwag siyang isama bilang respondent sa kaso sa Manila court kaugnay sa mga nawawalang sabungero.

 

Iginiit ni Atty. Gabriel Villareal, legal counsel ni Ang, na walang kinalaman ang kanyang kliyente sa Manila incident.

 

May kinalaman ito sa kidnapping at serious illegal detention case sa mga sabungerong sina John Claude Inonog, James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, at Rowel Gomez.

 

Ibinatay ang akusasyon kay Ang sa pahayag ng whistleblower na si Julie Patidongan na nagturo sa negosyante bilang mastermind sa kidnapping.

 

Naniniwala si Villareal na itinuro ni Patidongan si Ang bilang mastermind upang matanggal siya sa listahan ng mga akusado sa kaso.

About The Author